At sinasabi ko sa inyo, “Kailanma’y hindi magkakapareho ang takbo ng pag-iisip ng babae at lalaki.” Ang utak ng lalaki e talaga namang pinapasimple ang lahat ng bagay, highly focused at ayaw ng maraming pasikot-sikot. Ang utak ng babae e talaga namang amazing—as in full of maze, maraming detalye at sabog magisip.
Sa aking pananaliksik sa Facebook, eto ang graphical representation ng gusto kong sabihin.
But wait, hindi ibig sabihin tama ang isa at mali ang isa. Ibig sabihin lang e magkaiba ang dalawa. Walang tama. Walang mali. Therefore, tanggapin na lang ang katotohanan. Mga lalaki kase magrereklamo pa e sa bandang huli susunod din naman.