Ngayong 2014, magiging maganda at aktibo ang business community. Kung ikaw ay aspiring entrepreneur sa mga industries na babanggitin ko, malaki ang chance mong makapagstart with a blast! So here are the businesses na pwede nyong pagkakitaan sa taong 2014.
Una, technology business. Halos lahat ng tao ngayon ay nakatutok at nakadepende na sa technology. Kung dati nagmumumog muna pagkagising, ngayon ichi-check muna ang Facebook o cellphone bago magmumog. Yung ibang mga addict sa picture, magpopost muna sa Instagram bago mag-toothbrush at maghilamos. Kung magtatayo ka ng gadget store, patok yan. Siyempre dahil halos lahat ng cellphone ay app- at internet-ready na, ang e-loading business ay patuloy na lalago. Ang mga gadgets ay nasisira rin so kung magnenegosyo ka, repair business is also OK. Wag mong kalimutan pala na pwede ka rin mag buy-and-sell business online and offline. Libre lang ang Internet sa mga malls so tambay ka lang, pwede ka nang magnegosyo. Magpopost ka lang naman ng ibibenta mo sa Internet e.
Ikalawa, gumanda ang performance ng tourism sa Pinas noong 2013. Kung ang negosyo mo ay may kinalaman sa turismo, wag kang mag-alalala dahil simula pa lang ang swerte. Nadagdagan ang airlines sa pagpasok ng Air Asia na nakipagmerge kay ZestAir. Ang mga cottage industries na tinatawag ay patuloy na lalago. Oo, kahit paprint-print ka lang ng tshirt o gumagawa ng mga souvenir items, malaki ang pwede mong kitain. Para sa mga na local resort and hotel, naku, wag kayong mag-worry. Kung papaniwalaan mo ang news na from January to September meron tayong 3,509,017 tourists, an increase of 11.40% from the previous year’s count of 3,149,985 for the same period, ibig sabihin hindi kayo mabobokya kung maganda lang ang marketing strategy niyo. Wag kakalimutan na 908,881 visitors ay Koreano.
Ikatlo, money market. Noong 2013, napakaraming tao ang nakarinig ng stocks market, mutual fund, bonds at foreign exchange. Enough ang momentum na ito para maging hit na pagkakakitaan ang money market. Highly technical at tricky nga lang pero pag meron kang magaling ng financial advisor, magiging maganda ang negosyong ito para sa ‘yo. E kesa naman nasa bangko lang ang pera mo, ilagay mo na sa ibang financial instruments para pera mo ang nagtatrabaho para sa ‘yo.
Ikaapat, aba e siyempre ang health, beauty and wellness. Sa dami ng nagkasakit noong 2013, magiging patok ang mga organic food, alternative medicine, food supplements at kung anu-ano pang may kinalaman sa pagpapaganda, pagpapabata at pangangalaga sa kalusugan. Ang mga direct selling businesses at network marketing industries ay magiging active pa rin. Maganda rin kase ang naging buildup nito noong 2013. So pag may lumapit sa ‘yo at nirecruit ka, pakinggan mo muna at baka may bagong opportunity.
Ikalima, and education business ay magiging aktibo. Mas marami ang magpapa-print ng mga thesis o magpapagawa ng tarpaulin. May requirement ang K12 program. Sa nakalipas na taon, meron akong nagawang 93 talks sa buong Pilipinas. Maraming requirements ang mga schools sa mga training and development programs. Kung marunong kang mag-organize ng mga learning sessions, naku, patok sa ‘yo ang negosyo ng seminar. Sa isang taon, pwede kang kumita ng mahigit limang milyong piso. Halos lahat ng school kase e may mga seminars na linggo-linggo. Ito yung way nila to provide alternative learning sa mga students nila. At siyempre dahil competitive na uli ang global economy and hiring na uli ang ibang bansa, ang mga vocational training ay magiging in demand din.
Ang ilang pang industry na magiging active sa 2014 ay real estate. So pwede kang bumili ng mga pre-selling na bahay kase in two years, tapos na yan so pwede mo nang parentahan. Kung nasa construction business ka naman, ok din yan. Ang food business ay mananatiling active pero more competitive na this year so kelangan mo ng maganda gandang positioning kung gusto mong mag-succeed dito. Napakarami na kaseng food concepts at food carts at nagsiksikan na lahat sa mga malls.