Sa dami ng taong kilala mo, ang maalala mong batiin ang isang katulad ko e isang malaking himala o di kaya eh talagang napilitan ka lang dahil uso ang pagbati ng Merry Christmas ngayon! Saka malay mo ba kung namimigay ako ng regalo sa mga bumabati sa akin. LOL. Well, Paskong Pasko e nagkamali ka. Hehe.
Pero dahil binati mo ako, e di Merry Christmas din. Quits na tayo. Alangan namang binati mo ako tapos bibigyan kita ng regalo? Pagbati lang din talaga ang nakayanan ko. At dahil expensive and exchange gift, exchange greeting na lang tayo at least hindi mo kelangang pumunta sa Divisoria para lang madukutan o pumila ng mahaba sa SM para ipagift-wrap ang regalo mo na napilitan kang bilhin. Ninong at ninang mo nga hindi ka niregaluhan eh, ako pa ba magpoproxy sa kanila pagdating sa bigayan ng regalo. Yung bigyan ka ng ampao (yung pulang sobre na may Chinese characters na hindi mabasa ng parents mo) nung binyag mo, yun na yun. Wala kang kamuwang-muwang nagastos na ng parents mo pandagdag sa bill ng Jollibee.Nag-uumpisa na magtago sina ninong at ninang habang lumalaki ka. Wag kang mag-alala, nung ninong o ninang ka na, nagtago ka na rin, di ba? LOL.
O basta, alam mo na yan. Pwedeng i-deactivate ang Facebook or i-off ang cellphone or sabihing choppy ang linya kahit na malinaw naman basta makalusot lang. Ikaw na ang bahalang dumiskarte basta tandaan mo, ang maalala mo ang isang tao sa araw ng Pasko at pasalamatan ang Diyos sa biyayang tinanggap mo ay sapat na para maging happy ang araw na ito.
Anyway, salamat po. Live, laugh and love ngayong holidays!