Mga kaibigan:
Magandang araw po sa inyong lahat. Isa pong kagalakan sa akin ang maanyayahan sa okasyong ito. Ako po ay nagpapasalamat sa mga taong nasa likod ng programang ito. (Banggitin at i-acknowledge ang mga organizers).
Una po ay ang akin muling pasasalamat sa lahat ng supportang ibinigay ninyo sa akin. Ang akin pong pagkahalal bilang bokal ng ikatlong distrito ay tagumpay po ng ating mga kababayan na kaya natin magluklok ng isang lider na walang maraming pera subalit handa namang maglingkod.
Ang tagumpay po natin nitong nakaraang halalan ay tagumpay din naman ng kabataan at kababaihan. Ngayon, Ang tinig ng ating kakabaihan ay maririnig na sa kapitolyo. Ngayon ay mayroon na tayong pagkakataong manindigan sa mga isyung ating kinakaharap.
Ang sector po ng kababaihan ay napakahalagang sector ng ating pamayanan na madalas nakakalimutan. Ang ating pong pagganap sa tahanan bilang ina, pagganap bilang isang guro, pagganap bilang isang nakatatandang kapatid na babae ay ilan sa mga halimbawa ng women in action.
Ang bawat isa po sa atin ay binigyan ng karapatan at responsibilidad, kalayaan at disiplina, kakayahan at karunungan. Kung kaya’t ako po ay naniniwala na higit sa pakikipaglaban para sa ating karapatan ay ang ating pong pagkilala sa ating lakas bilang isang mahalagang sector ng lipunan.
Hindi po madali ang maging isang malakas na pwersa sa isang lipunang madalas makalimot sa kontribusyon ng kababaihan. Subalit ako po ay naniniwala na sa tamang pakikipaglaban, maari po natin maibalik ang lakas ng sector na ito.
Gusto ko pong maniwala na ako ay salamin ng sector na ito. Nang ako po ay magpasyang tumakbo, hindi ko po inisip na matatalo ako dahil ako’y babae at madalas na nahahalal ay kalalakihan. Nang tayo po ay palaring manalo, ito ay panalo ng sector ng kababaihan.
Sa akin pong pagganap bilang bokal, ako po ay nabigyan ng pambihirang pagkakataon na maging pinuno ng committee on family, women, and youth. Ang akin pong tanggapan ay mananatilimg bukas para sa inyong mga suggestion na maari kong idulog sa Sangguniang Panlalawigan.
Ako po ay magsusulong ng mga panukalang may kaugnayan sa atin pong mga isyu. Ako po, kasama ang Matatag na Pamilya Movement volunteers, ay magkakaroon ng portal at regular na pulong sa sector po na ito ilang maayos nating maipahayag ang mga panukalang sasagot sa ating mga problema sa sector na ito.
Bilang pangwakas, kayo naman po ay inaanyayahan kong maging kasapi ng Matatag na Pamilya Movement, isang organisasyon po na magsusulong ng mga programang magpapatibay ng ating mga tahanan. Ang movement po na ito ay para sa inyo dahil kami po naman ay naniniwala na ang bawat pamilya ay mahalagang baggy sa pagbuo ng isang matatag na lipunan.
Ang membership po ay libre. Magregister lamang po kayo.
100,000 miyembro sa loob ng isang taon! Makukuha ko po ba ang inning suporta? Kaya po ba natin Ang 100,000 miyembro s loob ng isang taon? Maasahan ko po ba kayo sa proyektong ito?
Maraming salamat po sa inyong pagtugon. Maraming salamat po sa inyong sa akin. Mabuhay po ang sector ng kababaihan! Pagpalain po tayo ng Maykapal.